Ang Blog ni DodongScarface

March 13th, 2009

8th meditation on the mon-keigh

4 years in college
1 year ang delay
6 units ang binagsak
6 units ang binawi
2 beses nagshift
1 beses failed shift
1 barkada ng mga barbaro
2.726 ang CGPA
'Di na mabilang na basted
1 'di pinalampas na pagkakataon
4.0 sa finals ng INTEORG (Ms. Tana), pero 2.5 final grade
90% sa finals ng EUROFOR (Sir Molmisa), pero 1.5 final grade
Mga 'di mabilang na paghihinayang

Lumangoy sa Ilog Taft
Nag-GODLIKE sa DotA
Natuto mag-Day of Defeat: Source
Natuto mag-World of Warcraft
Tumambay sa Microsmith 2
Tumambay sa Netopia
Sumigaw dahil masarap sumigaw
Nagpaalis ng mga babae dahil sa kakasigaw
Nagcut para maglakwatsa
Nagcut dahil nakakatamad yung subject
Nagcut dahil nakakatamad yung teacher
Nagcut para sa pag-ibig
Nagcut dahil pwede pa magcut
Nagcut for the BROmance
Kinutya ang Ateneo
Kinutya ang La Salle
Natuwa sa mga taga-St. Scho
Natuwa sa mga taga-St. Paul
Nag-thesis
Tinamad mag-thesis
Natuto magcommute ng malayo
Kinabahan kay Sir Molmisa
Kinabahan kay Sir Baquiran
Nanghinayang at 'di nakuha si Sir Robles

At mga 'di na matandaang kung anu-ano pang alaala.

Kolehiyo.

Sabi nila high school daw ang pinakamasayang parte ng buhay mo, kasi daw pagdating ng college gaguhan na at kanya-kanya.

Nagkamali sila, ibig sabihin magaling pala ako sa gaguhan at kanya-kanya. Sa lahat ng pinasasalamatan ko nung high school ako eh gusto ko siyang kalimutan. Kung dahil ba 'yon kay Jillian, o dahil sa sakit ng ulong inabot ko kay Generosa Amor, o dahil sa malabakal na kapit sakin ng pamilya ko, hindi ko alam. Pagdating ko ng college ay parang bumukas sa akin ang mundo, at simula noon ay mas gusto ko nang nasa labas ng bahay kaysa asa loob nito. Hindi kasingtaas ang mga marka ko sa kolehiyo noong high school ako, pero hindi ako nagsisisi, kahit minsan nanghihinayang. Natuto akong mabuhay, kailan mo ba mamasamain 'yon?

Ngayong malapit na ako magtapos na kolehiyo natatakot uli ako. Nung magtatapos ako ng high school natakot din ako dahil mawawala ang kinagisnang buhay. Ngayon, parang ganun din, yun nga lang alam ko kung anong naghihintay sa akin, isang mundong walang patawad sa mga hindi nagtatagumpay. Wala akong magagawa kundi ibato na lang ang lahat sa hangin at sumugod, patuloy na uusad ang kasaysayan kahit hindi ka kasama.

Malapit na akong matapos sa OJT ko, malapit nang matapos ang thesis namin, malapit na akong magpaalam sa kinagisnang mga haligi, malapit na akong magpaalam sa mga napamahal na kaibigan, malapit na akong lumusong sa isang panibagong mundo, malapit na akong magimpake at magpatuloy sa biyaheng ito na kung tawagin ay buhay.

Quote for the day: "Show me a fortress and I'll show you a ruin." ~ Captain Eddan Bourne, No. 2 Assault Company, Silver Skull

Posted by dscarface at 07:58 AM | 3 skulls

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on September 18th, 2009 at 11:05 PM
I ♥♥♥ dota! grabe. kahit ndi ako nakaka godlike! atleast ndi ako first blood! :]
Comment posted on March 13th, 2009 at 09:20 AM
At talagang pinost mo nang Friday the 13th haha
Comment posted on March 13th, 2009 at 09:09 PM
opkors XD
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links