Ang Blog ni DodongScarface

Entries for November, 2006

November 29th, 2006

Nang Ako'y Mapadpad

Nyaaaaaaaaa!~

 In Paolo's words.. SPACE INVADERS!!!

Hmmmmm... So ganito pala dito. Na-engganyo ako ng nakita ko yung blog ni RJ, so eto, mula sa super-emo kong blog sa Friendster nag-decide akong lumipat na rito. 

Kaso parang gusto kong ilipat yung mga super-emo entries ko. Yung last entry ko dun medyo applicable parin ngayon. Yun nga lang hindi na ganoon ka-[G]rabe yung impact kasi natikman ko ang BANGIS at KAMANDAG ng MASO NG PAG-IBIG noong Sabado. I will never look at ORIENT2 the same way again. Gadamit. Kung paano at kung ano ang mga nangyari ng araw na iyon, ah that's for another entry... mufufufufufu..

Kaso kaninang CHEMONE.. haaaaaaay.. ewan. Isang taon nang ganito. Babalik at babalik ang kirot. Seloso ako, bakit ba? Siguro hindi naman seloso, sabihin na nating (hindi si amcel, pota) sensitive ako sa aking kapaligiran (most of the time, at times sira radar ko, lalu na yung radar na pinalakas ni Hal Avisado, kelangan ng maintenance) at madali kong napapansin ang mga bagay-bagay, kahit gaano kaliit.

In any case, I think I'm going to enjoy my stay here.

Quote for the day: "We soar on Wings of Fire!" ~ Chaos Raptors (LQS ako eh.. Last Quote Syndrome)

Posted by dscarface at 08:56 PM | for khorne

November 30th, 2006

Kung Bakit Minamalas

"Kung kelan ka naman seryoso sa babae, dun ka *insert negative word here, eg mamalasin, gagaguhin, di pagpapalain*"

If someone had a peso for everytime a distraught, disheartened man would say this, he can retire by his 40's.

Sakin pa lang, jackpot na.

Pero bakit nga ba ganoon? Bakit nga ba yung iba, walang kaproble-problema sa paghanap ng nobya, ang iba naman, dadaan muna sa butas ng karayom para mapasagot ang kanilang sinisinta, tulad ko. Hindi pa sigurado yon, minsan, kulang pa nga.

Sa aking mga natutunan sa INTPHIL class ko, salamat ke ma'am Laureen Velasco(na sobrang astig btw, kaso pagdating ng test.. XD), hindi ko na magawang magalit o sisihin man lang ang mga babaeng minaso ang puso ko. Ang nangyayari eh naiinis ako sa aking sarili, kung bakit ako nagpabaya sa aking mga kilos at sa mga nararamdaman. Kasi pag sira ang radar at off-day ang spider senses ko, lagi na lang nakakainis ang timing na gusto kong pumasok sa buhay niya, na ultimately nagiging dahilan sa aking meeting with Triple H. Ang pinakamadalas na mga rason ay ang mga sumusunod:

  • me kasintahan siya, 'kasintahan' being the generic term
  • ayaw niya muna mag-BF
  • at siyempre, sino bang makakalimot sa 'DA ULTIMATE MASO'? ang pinakamabangis na maso sa lahat, patay ang porma mo, walang brib-brib, pag ikaw tinamaan neto. Dahil lamang sa ayaw na ayaw niya sayo, dahil sa kung anong rason. Isang rason na matapos ang halos 5 taon eh hindi mo parin alam kung bakit ganun na lang ang naging kulo ng dugo niya sayo kahit nag-sorry na siya sa lahat ng atrasong ginawa niya matapos kang bastedin.

*note: ang ikatlong rason ang pinakanakakapanggigil na rason dahil kadalasan, galit siya sayo dahil pinapakita mo lamang ang tunay mong sarili at hindi niya ito nagustuhan.

Kaya sa aking palagay, ang panliligaw sa kabuuan, ay nakasalalay sa timing ng iyong pagporma sa iyong irog. Timing sa paggawa ng iyong mga plano. Timing. Da sikret inggridyent, sa aking pananaw.

Yan lamang ang aking mga kuro-kuro habang hinahampas ang aking ulo sa pader kakaisip kung bakit lagi na lang akong minamalas pagdating sa babae.

Leche, leche talaga. Pagtingin ko pa sa YM niya naalala ko kung bakit ako naiinis in the first place. Leche talaga.

Oh well, life. I have better things to do. Katulad ng finals namin sa RELSFOR na sa monday na pero hindi pa namin nasisimulan.

Quote for the day: "The great question that has never been answered and which I have not yet been able to answer, despite my thirty years of research into the feminine soul, is 'What does a woman want?'" ~ Sigmund Freud

Posted by dscarface at 03:08 PM | 4 skulls

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links